Huwebes, Enero 4, 2018

Ang Pinili ni Uncle Ben



ANG PINILI NI UNCLE BEN
(Maikling kwento ng Nigeria) 
Salin ni Delfin Tolentino Jr. ng "Uncle Ben's Choice" ni Chinua Achebe
Sinuri ng Ika-unang pangkat ng 10-Chlorine

Nilalaman:

1.) Pagkilala sa may akda
2.) Uri ng Panitikan
3.) Layunin ng akda
G4.) Tema o Paksa ng akda
5.) Mga tauhan o karakter sa akda
6.) Tagpuan o Panahon
7.) Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
8.) Mga kaisipan o Ideyang taglay ng akda
9.) Estilo ng pagkakasulat ng akda
10.) Buod

1.) PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Albert Chinualumogu Achebe ay isang Nigerian na ipinanganak noong Nobyembre 15, 1930 sa Ogidi sa Silangang Nigeria. Siya ay naging isang novelist, poet, professor, at critic. Ang kaniyang kauna-unahang nobelang naisulat ay ang “Things Fall Apart” (1958) na naging sikat sa modernong literatura ng Africa. Lagi siyang nangunguna sa klase noon kung kaya’y nakakuha siya ng pagkakataong maging iskolar at makapag-aral ng medisina ngunit siya ay nag-aral ng English literature sa University College (ngayon ay University of Ibadan). Nag-aaral pa lamang siya sa unibersidad ng magsimula na siyang magsulat ng mga nobela at libro tungkol sa mga relihiyon at iba’t ibang tradisyon ng mapukaw nito ang kaniyang interes at pansin. Pagkatapos niyang mag-aral ay nagtrabaho siya sa Nigerian Broadcasting Service at lumipat sa Laos. Marami rin siyang natanggap na gantimpala tulad na lamang ng Margaret Wrong Prize, New Statesman Jock Campbell Prize, Commonwealth Poetry Prize at 2007 Man Booker International. Itinalaga si Achebe bilang deputy national president ng People’s Redemption Party noong 1983 at tinatag niya ang Uwa ndi Igbo, isang bilingual na magasin. Taong 1990, habang ipinagdiriwang ang kanyang ika-60 na kaarawan, nasangkot sa isang aksidente si Achebe na naging dahilan ng kaniyang pagkalumpo. Namatay siya noong Marso 21, 2013 sa Boston, Massachusetts kung saan siya nagtuturo bilang university professor ng African studies. Ilan sa kaniyang mga naisulat ay ang mga sumusunod:
➸Things Fall Apart ➸No Longer at Ease ➸Arrow of God ➸A Man of the People ➸Anthills of the Savannah


2.) URI NG PANITIKAN

Ang Uncle Ben’s Choice” ay isang anekdota. Sapagkat ito ay tumatalakay sa mga kakatwang pangyayari na naganap sa buhay ng isang tanyag o kilalang personalidad. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawang mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng tao.

3.) LAYUNIN NG AKDA

Ang layunin ng akdang ito na ipakita sa mga tao ngayon mapababae man o lalaki na hindi lahat ng maganda sa paningin mo ay karapat dapat ng pagkatiwalaan sapagkat ayon nga sa ama ni Uncle Ben "Ang isang tunay na anak ng bayan ay dapat matutong matulog ng dilat ang isang mata". Layunin din ng akdang ito kung gaano kahalaga ang pagmahahal ng isang pamilya kaysa sa pagkolekta ng anumang yaman.


4.)TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng 'Uncle Ben's Choice" ay ukol sa importansya ng pamilya para sa kultura ng mga Nigerian. Ipinakita dito na sa kabila ng mga naging impluwensiya ng pagiging kolonya ng Brtanya, mas pinili ni Uncle Ben na tiisin ang kanyang mga materyal na paghahangad at talikuran si Mami Wata ng walang pagsisising nadarama.


 5.) MGA TAUHAN O KARAKTER SA AKDA

Uncle Ben-  siya ay isang Klerk sa Niger Company sa Umuru,ang tawag sa kanya ng lahat ay Jolly Ben
Tatay-  ama ni Uncle Ben na siyang nagbibigay sa kanya ng mga mabubuting kaalaman at pangangaral
Mga Babae sa Umuru-  ayon kay Uncle Ben, sila ay magagandang babae ngunit tuso
Matthew Obi-  siya ay kapitbahay at kaibigan ni Uncle Ben 
Margareth Jumbo-  isang babaeng matangkad at manilaw-nilaw ang balat, siya ay naiiba daw sa mga babaeng Umuru ayon kay Uncle Ben
G.B Olivant-  siya ang nakatira ngayon sa dating bahay ni Uncle Ben
Senior Clerk-  nakulong dahil nagnakaw ng ilang paldo ng kaliko at siya ang pinalitan ni Uncle Ben sa trabaho
Dr. J.M Stuart- Young-  siya ay isang komersiyanteng puti na naging kalaguyo ni Mami Wata at eto ang dahilan ng kanyang pagiging pinakamayamang tao sa buong bansa 
Mami Wata-  siya ang misteryosong babae na nakaputi na biglang lumitaw sa bahay ni Uncle Ben, ang diwata ng Niger

6.) TAGPUAN O PANAHON

1.Panahon ng Ministro
2.Kalsada kung saan naglalakad ang mga taong pusturang pustura
3.Bisperas ng bagong taon

7.) NILALAMAN O BALANGKAS NG PANGYAYARI

Ang “Ang Pinili ni Uncle Ben” ay ang pagpapahayag ng kung paano ang tingin ng lalaki sa babae. Sadyang madaming aral ang makukuha dito. Pinapaintindi at pinapaunawa dito na di lahat ng bagay ay pang matagalan o sa madaling salita, walang permanente sa mundo ngunit ang pamilya ay pang habang buhay. Biyayayaan ka man ng isang babaeng handing ibigay lahat sayo ngunit di ka kayang panindigan o pakasalan.

8.) MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Ang ilan sa ideya ng " ang pinili ni uncle ben" ay ang mga sumusunod. Ang una ay ang kaisipan ng pagiging alerto at sensitibo sa mga tao sa paligid. Ito ang reprensentasyon ng buhay ng tao na umiikot sa seguridad at pakikipagkapwa,Kagaya nga ng sabi ng mga nakatatanda maging alerto para hindi maloko.Pangalawa ay ang isyu ng protitusyon o pagamit ng katawan upang kumita ng pera. Ilan sa mga babae/lalake ay ibenebenta ang kanilang dignidad upang maging suksesado sa buhay or makamit ang kanilang luho, ito rin ang nagiging rason ng pagkasira ng pamilya dahil sa pagkawala ng tiwala or pagka ubos ng napundar na yaman.

9.) ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA


Ang istilo ng pagkakasulat ng akda ay parang nagkukwento lang ng informal o pasalaysay na nagbibigay imahe rin sa lipunan ng may akda. Ang akda ay gumamit ng pamilyar na bokabularyo at conventional na lengwahe na kung saan ang nakararami ay nakakaintindi, maliban nalang sa mga salitang hindi namin alam ang kahulugan, halimbawa nalang ay yung “Biko akpakwana oku”. Naging informal ang dating nito dahil sa parang pagka-friendly environment ng pakukuwento ng mga pangyayari.

10.) BUOD

Si Uncle Ben ay isang klerk sa NIger Company noong taong mil nuwebe siyentos disinwebe. GAya na ibang progresibong lalaki ay sumali siya sa African CLub. Jolly Ben ang tawag sakanya ng lahat. Sinabi ng kanyang ama sakanya ay kailangan niya na matutong matulog na dilat ang isang mata para maging tunay na anak ng bayan. Sadyang matatalas ang mga babae sa Uhura dahil bumilang ka palang ng isa nakabilang na sila ng pagalawa. Sinabi ng kanyang Ama sakanya ay mag-ingat kapag labis na magiliw ang pagbati sakanya. Ngunit iba naman si Margaret na gusto naman gawing Roman Katoliko si Ben. Noong bagong taon nagdesisyon si Uncle Ben na pumunta sa club dahil sa kanyang matabang bulsa . At noong nakauwi ito para matulog hindi natuloy subalit sa panahon na iyon nabilanggo ang kanilang senior klerk nila at si Ben ang pumalit sa kanya. May nakita siyang babae sa kanyang katre at inisip ni Ben na baka si Margaret yun nguni kahit gaano man tanong niya rito ay ayaw paring magsalita. Pinalapit siya ng babae sa katre at sasabihin niya daw kung sino sino siya habang naman si Ben ay nangangatog. Kumaripas ng takbo si Ben sa bahay ni Matthew. Sinabi sa kanya ni Matthew na binisita siya ng Mami Wata na isang diwata sa NIger. Sinabi ni Matthew kay Ben ay kung yaman daw ang hangad nito ay nagkamali siya sa kanyang ginawa pero kung tunay ka daw anak ng iyong ama binabati kita. Anong nangyari nang namatay si Dr. J.M Stuart- Young na tinanggap ang Mami Wata ngunit di pumayag ito magpakasal sakanya? Ang lahat ng yaman niya ay napunta sa iba. Yan ba ang hangad nating yaman? Sana hindi.




Mga Miyembro:

Emerson Elvick Bolivar
Raisa Joyce Bautista 
Alvin Acbang Jr.
Ashley Gabrielle Torres
Humphrey Howard Casas
Czarina Tabita
Ron Vincent Liana
Phoebe Jean Belarmino
Kevin Mackay
Crista Marie Bartolome


Mga Talutot na Dugo

Mga Talutot na Dugo (Petals of Blood)
 ni 

Ngũgĩ Wa Thiong'o
---
Sinuri ng Ikatlong Grupo ng 10 Chlorine
---
---
Nilalaman
---
  1. PAGKILALA SA MAY-AKDA
  2. URI NG PANITIKAN
  3. LAYUNIN NG AKDA
  4. TEMA O PAKSA NG AKDA
  5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA 
  6. TAGPUAN AT PANAHON
  7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
  8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA 
  9. ESTILO NG PAGKAKASULAT
  10. BUOD
---
1. PAGKILALA SA MAY AKDA

Mga Talulot na Dugo o Petals of Blood ay isinulat ni Ngũgĩ Wa Thiong'o ipinanganak noong Enero 5, 1938 sa Kamiritu, Kenya Colony sa pamilya ng magsasaka. Isinulat niya ang Talulot na Dugo sa loob ng limang taon. Nagsimula siyang magsulat habang siya ay nagtuturo sa Northwestern University sa taong 1970. Itinuloy niya ang pasgsulat pagkatapos niya bumalik sa Kenya, at tinapos niya ito sa Yalta bilang isang panauhin sa Soviet Writers' Union'. Dahil sa nagaganap na inhustisya at hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ng Kenya kaya niya nagawa ang nobela.  Ito rin ang huling isinulat na nobela Ngugi na nakasalin sa wikang Ingles. Ang nasabing nobelang Mga Talulot na Dugo ay tumutukoy sa "pampanitikang-pampulitika", dahil dito inaresto siya noong Diseyembre 30, 1977. Magmula noon, hindi na niya ginamit ang wikang Ingles at ginamit ang wika ng kanyang bayan, Gikusyu.


2. URI NG PANITIKAN

Ang nobela ay isang mahabang kuwento na binubuo ng maraming kabanata. Ang kuwento maaring nakasentro sa iisang banghay na may maliliit na banghay sa kabuuan ng nobela.


3. LAYUNING NG AKDA

Layunin ng akda na ipakita ang katotohanan ng mga resulta ng Rebelyong Mau Mau sa mga tao at kung ano ang mga ginawa ng mga tao upang mamuhay sa mga lugar na hindi binibigyang pansin ng mga tao sa taas ng gobyerno.



Ginamit ng may akda ang Teoryang Marxismo upang ipakita sa mga mambabasa ang mga resulta ng Kapitalismo. Kung saan ang Ilmorog ay isang lugar ng mga puro pastol; kung saan si Abdulla ay may tindahan at asno lamang bilang kanyang pag-aari; at ang mga kabataan ay kulang sa pagaaral at iba ay ayaw magaral. Isa rin sa mga ginamit na teorya ang Teoryang Historikal na may kaugnayan sa Rebelyong Mau Mau sa Kenya. Ang Teoryang Realismo ay nagpapakita ng mga nangyari pagkatapos ng Rebelyong Mau Mau, ang mga hirap na pinagdaanan ng mga karakter, at ang kanilang mga proseso ng pag-iisip nang ito ay natapos. Ang Teoryang Eksistensyalismo ginamit upang ipakita ang mga desisyon at ginawa ng mga mamamayan ng Ilmorog at ni Munira para mamuhay sa sinabing lugar.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA                

 Ang tema nito ay patungol sa estado ng lipunan sa Kenya ipinapakita dito na higit na nakaka-apekto ang estado ng lipunan sa edukasyon ng mga tao at isa na rin sa tema ng akda ay ang pagpapakita kung ano ang kahalagahan ng edukasyon sating mga tao.

5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA

  • Karega - Isang batang lalaki na nagtatrabaho bilang isang teaching assistant sa paaralan ni Munira bago mabago ang maling akala at tumungo sa siyudad.
  • Nyakinyua - Ang pinaka-iginagalang na matandang babae ng barangay, at lola ni Wanja.
  • Tandang Njugu - Ang taga-pagturo sa kakatwang tatluhan.
  • Mituri, Njuguna't Ruoro - Tatlong makaririwasang pesante.
  • Munira - Isang boy/ katulong na nagpupunta sa Ilmorog upang makapagturo sa kanyang sira-sirang paaralan. Napa-ibig kay Wanja at isang arsonista na pinaghahanap ng mga pulis.
  • Mzungu - Ang taga-pagsalakay sa kababayan.
  • Uhere o Mutung 'u - Ang taga-taboy ng mga iniwang asawa sa Ilmorog.
  • Kimeria - Isang walang awang negosyante na isang parte ng New Kenya Elite.
  • Kabayong Bakal - Ang alagang hayop ni Godfrey Munira.
  • Mga bata - ang nagmamanman kay Godfrey.
  • Nderiwa Riera - Ang local na politico ng distrito ng Ilmorog, na nakatira at nagtatrabaho sa Nairobi.
  • Mwathiwa Mugo - Ang taga-gawa ng banal para sa mga tagaytay.
  • Ndemi - Siyang espiritu na galing sa puntod.
  • Muturi - Ang taga-pagpuri ni Abdulla.
  • Abdulla - Isang may-ari ng tindahan na nawalan ng bintisa Mau Mau rebellion.
  • Wanja - Apo ni Nyakinyua. Isang dalubhasang barmaid (waitress sa bar) na umiwas sa kanyang nakaraan sa siyudad.
  • Mzigo - Ang may-ari ng napakalinis at napaka-ayos na opisina.
  • Njuguna'y - Siya ang nangarap na maisuot ang ngome.

6. TAGPUAN AT PANAHON

Ang ikalawang kabanata ng nobelang, Mga Talulot na Dugo ay nangyari pagkatapos ng rebelyong Mau-Mau at naganap sa Ilmorog.Masasabingkatotohanan ang Tagpuan at Panahon ng nobelang ito sapagkat naranasan ito ng mismong sumulat ng akda na nagmula sa kenya.

7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Ang pagiging pursigido at pagiging dedikado ni Munira ang isa sa nilalaman ng nobela . Sa unang bahagi ng akda nandito lahat ng problema at mga suliranin at bandang huli dito na nareresolba ang mga problema . Marami ka ring mababasa dito na malalalim na mga salita na ginamit ng mga tauhan . Mababasa rin dito sa nobela na ayaw magaral ng mga kabataan dahil gusto nila sumunod sa mga yapak ng janilang mga ama  Pero ipinaliwanag ni Munira ang mga mabuting dulot ng eskwelahan . May mga estudyante syang nagtipontipon ngunit lilima lamang ang pumunta . Nang malaman ni Munira na may mga gurong maidadagdag ay syang nagpasaya sa kanya.


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA

Pinapakita dito na madaming lugar ang nagkukulang at nangangailangan ng mga guro. Pinapakita din na kung gusto mo ang ginagawa mo, kahit nahihirapan ka na ay ipagpapatuloy mo padin ito.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT


Sa kasagsagan ng akda ay makikita natin na masyadong niyang isinalalarawan o pinapahayag ang mga ilang bagay. May ilang bahagi kung saan ay sobrang nakakalito at mapapaisip ka ng malalim. Pero karamihan sa mga mababasa ay nagawang kawili-wili ng may-akda dahil nagagawa nito tumakbo sa isipan ng mga mambabasa. Gumamit din ng mga malalalim na salito o pagsasalarawan ang may-akda. May pagkamisteryo ang pagkakasulat ng akda dahil sa mga hindi lantarang kahulugan ng mga pahayag dito. Mapapaisip talaga ang mga mambabasa para malinawagan sa ilang mga pahayag dito.

10. BUOD


Ang libro ay nagsisimula sa pamamagitan ng na naglalarawan sa apat na pangunahing mga character - Munira, Karega, Wanja, at Abdulla - lamang pagkatapos ng paghahayag na tatlong prominenteng Kenyans, dalawang negosyante at isa tagapagturo, ang namatay sa isang sunog. Ang susunod na kabanata gumagalaw pabalik sa timeline ng nobelang, na tumututok sa ni Munira paglipat sa Ilmorog, upang simulan ang trabaho bilang isang guro. una Siya ay nakilala sa hinala at mahinang silid-aralan pagdalo, pati na ang mga tagabaryo sa tingin siya ay magbibigay sa up sa village sa lalong madaling panahon, sa halos parehong paraan nakaraang mga tagapagpaaninaw ay tapos na. Gayunman, Munira nananatili at, kasama ang pagkakaibigan ng Abdulla, isa pang immigrant sa Ilmorog na nagmamay-ari ng isang maliit na shop at bar, carves out ng isang buhay bilang isang guro.
---
Wakas
---

---
Mga Miyembro
---

Pagkilala sa Akda -  San Luis, Marielle Anne B.
Uri ng Panitikan - Cerezo, James Russel
Layunin ng Akda - Adona, Clara Adrienne T. 
Tema o Paksa ng Akda - Rosas, Hariete Raiza
Mga Tauhan/Karakter sa Akda - Aquino, Mark Danielle
Tagpuan at Panahon - Balquin, Dennise Anne B.
Nilalaman o Balangkas ng mga Pangyayari - Gulfo, Edmund P.
Mga Kaisipan o Ideyang Taglay ng Akda - Juan, Bernadette
Estilo ng Pagkakasulat -  Orbiso, Robin James
Buod - Africa, Marcus Benedict

Handa Akong Mamatay

Handa Akong Mamatay

Isinalin ni Doyle Camba
Mula sa "Iam Prepared to Die" ni Nelson Madela
Sinuri ng Ikalawang Grupo mula sa Pangkat 10-Chlorine


-- Nilalaman --

  1. Pagkilala sa may akda
  2. Uri ng Panitikan
  3. Layunin ng akda
  4.  Tema o Paksa ng akda
  5.  Mga tauhan o karakter sa akda
  6. Tagpuan o Panahon
  7.  Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
  8. Mga kaisipan o Ideyang taglay ng akda
  9.  Estilo ng pagkakasulat ng akda
  10.  Buod



1. PAGKILALA SA MAY AKDA

Si Nelson Mandela ang unang presidenteng NEGRO sa South Africa at siya ay namahala noong 1994 hanggang 1999, siya ay ipananganak noong Hulyo, 18 1918 at namatay noong Disyembre, 5 2013 dahil sa impeksyon sa baga. Siya ang gumawa ng talumpati tungkol sa mga Africans na pinagkakaitan ng karapatan at kalayaan, ang tittle nito ay “I am Prepared to Die” na sinalin sa filipino ni doyle Calamba. Ang nag-udyok sakanya na gawin ang talumpati ay dahil sa mga Africans na hindi nakakamit ang kalayaan at pantay na tingin sa bawat isa, dahil sya mismo ay nakakaranas ng racism o pang huhusga sakanya dahil ang lahi niya ay iba.


2.URI NG PANITIKAN

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.


3. LAYUNIN NG AKDA

"Racial Discrimination" ito ang pumapasok sa isip ng isang taong makakabasa ng akdang " Handa Akong Mamatay". Ang akdang ito ay kumakatawan sa pagpapaliwanag kung paano ang mga puti ay nabubuhay sa mataas na pamantayan at ang mga itim naman ay nabuhay sa mababang pamantayan na nagbunga sa mindset na "Recism". Ito ang mismong naging boses kung gaanong diskriminasyon ang binibigay sa mga South African at hindi makita ang kahalagahan ng kanilang buhay, digniddad, respeto sa kultura at pantay na karapatan. mailalapit din ang teoryang "existensyalismo sa talumpati. Ang teoryang ito ay naglalayon ng nararapat na kalayaang mabuhay tulad ng kahit sino nang walang diskriminasyono 'Racial Judgement' na binabato sa kanila sa kahit ano mang paraan.


4. TEMA O PAKSA NG AKDA

Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa pantay na pagtrato sa mga puti at itim, mayaman man ito o mahirap. Pinapakita din ang pag laban ng mga Africans sa diskriminasyon sa kulay na kung saan naaapektuhan ang mga buhay ng Africans na dapat ay binibigyan din ng maayos na buhay ang mga Africans hindi lang ang mga puti.


5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
  • Africans: sila ang mga taong namuhay sa karukhaan at nagsisilbi sa mga puti, hindi patay ang pagtrato ng mga puti sakanila sila rin ay nakakaranas ng pang-aabuso at pang-aapi ng mga puti.
  • Mga puti: sila ang mga taong namuhay sa karangyaan, sila ang may hawak sa pamahalaan at lumilikha ng mga batas na nagpapahirap sa pamumuhay ng mga African.

6. TAGPUAN/PANAHON

Ang mga pangyayari sa akda ay nangyari noong 1961 sa bansang South Africa. Maaring maraming taon na ang nakalipas nang magsimula sa bansang South Africa ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa mamamayan ng kanilang bansa kaya sinubukang baguhin ito sa pamamagitan ng National Liberation Movement (NLM) noong Hunyo 1961.


7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI

Pinapakita sa mga pangyayari dito ang iba’t ibang uri ng hindi pagkakapantay pantay ng mga Africans sa mga puti. Halimbawa nito ang pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa trabaho sa mga puti kaysa sa mga Africans.


8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
  • Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay kung kaya’t hindi dapat natin tinatapak-tapakan ang dignidad ng isang tao kahit na maitim o maputi.
  • Hindi basehan ang lahi o kulay para matamasa ng isang tao ang kanyang mga karapatan at respeto na dapat meron siya.
  • Ang pang-aapi sa kapwa ay isang kasalanan. Kung kaya’t hindi dapat nanghuhusga ng ibang tao dahil lamang siya ay maitim sapagka’t minsan sila pa mismo ang mas maraming naiaambag sa lipunan kaysa sa iba pang tao.
  • Dapat wag pairalin ang ‘Racial Discrimination’ dahil sa panlalait at pangaalispusta sa kanila nawawalan ng karapatan ang mga African na mamuhay ng payapa at umasenso sa buhay.

9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA

Ang estilo ng pagkasulat ng akda ay pasalaysay. Ito ang tawag kung nais magpahayag ng isang manunulat ng mga magkakasunod na pangyayari tulad ng pagkukuwento. Sa una pa lamang malalaman mo na tila may malaking pagsubok na kailangan harapin ang mga taga South Africa (African). Naipaliwanag din ng maayos ang mga hinaing dahil sa nasabing problema na nagpapahirap sa kanila at naipakita din ng manunulat kung gaano ka laki ang problema nila sa diskriminasyon na tila nakakulong sila at walang ibang pwedeng gawin kundi sumunod na lamang dahil sa sila ay maitim. Hindi mahirap intindihin ang mga pahayag kahit na may malalim na salita dahil naipapaliwanag ng maayos. Sa dulo nabangit din ng manunulat kung ano ang kinakatakutan ng mga puti, ang demokrasya.


10. BUOD

Ang akda ay tungkol sa hindi pantay na pagtingin sa mga puti at mga Africans. Makikita rin dito kung paano nakaapekto ang kahirapan sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay, lalo na sa kanilang kalusugan. Gayundin ang mga magagandang oportunidad na ipinagkakait sakanila. Dahil dito nais ng mga Africans na makaahon sila sa pagiging lumpo at makamit ang ninanais nilang pagkakapantay-pantay.


-- WAKAS --



-- MGA MIYEMBRO --

Keith Guatato (PAGKILALA SA MAY AKDA)
Aearth Doria (URI NG PANITIKAN)
Dana Hernandez (LAYUNIN NG MAY AKDA)
Irish Apple Tabita (TEMA O PAKSA NG AKDA)
Dela bajan (MGA TAUHAN / KARAKTER SA MAY AKDA)
Elisha Christine Lazaga (TAGPUAN/ PANAHON)
Angalica Nocum (NILALAMA O BALANGKAS NG MG PANGYAYARI)
Pineda (MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA)
Russel Santos (ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA)
Jullianne Lapid (BUOD)