Handa Akong Mamatay
Isinalin ni Doyle Camba
Mula sa "Iam Prepared to Die" ni Nelson Madela
Sinuri ng Ikalawang Grupo mula sa Pangkat 10-Chlorine
-- Nilalaman --
- Pagkilala sa may akda
- Uri ng Panitikan
- Layunin ng akda
- Tema o Paksa ng akda
- Mga tauhan o karakter sa akda
- Tagpuan o Panahon
- Nilalaman o balangkas ng mga pangyayari
- Mga kaisipan o Ideyang taglay ng akda
- Estilo ng pagkakasulat ng akda
- Buod
1. PAGKILALA SA MAY AKDA
Si Nelson Mandela ang unang presidenteng NEGRO sa South Africa at siya ay namahala noong 1994 hanggang 1999, siya ay ipananganak noong Hulyo, 18 1918 at namatay noong Disyembre, 5 2013 dahil sa impeksyon sa baga. Siya ang gumawa ng talumpati tungkol sa mga Africans na pinagkakaitan ng karapatan at kalayaan, ang tittle nito ay “I am Prepared to Die” na sinalin sa filipino ni doyle Calamba. Ang nag-udyok sakanya na gawin ang talumpati ay dahil sa mga Africans na hindi nakakamit ang kalayaan at pantay na tingin sa bawat isa, dahil sya mismo ay nakakaranas ng racism o pang huhusga sakanya dahil ang lahi niya ay iba.
2.URI NG PANITIKAN
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.
3. LAYUNIN NG AKDA
"Racial Discrimination" ito ang pumapasok sa isip ng isang taong makakabasa ng akdang " Handa Akong Mamatay". Ang akdang ito ay kumakatawan sa pagpapaliwanag kung paano ang mga puti ay nabubuhay sa mataas na pamantayan at ang mga itim naman ay nabuhay sa mababang pamantayan na nagbunga sa mindset na "Recism". Ito ang mismong naging boses kung gaanong diskriminasyon ang binibigay sa mga South African at hindi makita ang kahalagahan ng kanilang buhay, digniddad, respeto sa kultura at pantay na karapatan. mailalapit din ang teoryang "existensyalismo sa talumpati. Ang teoryang ito ay naglalayon ng nararapat na kalayaang mabuhay tulad ng kahit sino nang walang diskriminasyono 'Racial Judgement' na binabato sa kanila sa kahit ano mang paraan.

4. TEMA O PAKSA NG AKDA
Ang tema o paksa ng akda ay tungkol sa pantay na pagtrato sa mga puti at itim, mayaman man ito o mahirap. Pinapakita din ang pag laban ng mga Africans sa diskriminasyon sa kulay na kung saan naaapektuhan ang mga buhay ng Africans na dapat ay binibigyan din ng maayos na buhay ang mga Africans hindi lang ang mga puti.
5. MGA TAUHAN/KARAKTER SA AKDA
- Africans: sila ang mga taong namuhay sa karukhaan at nagsisilbi sa mga puti, hindi patay ang pagtrato ng mga puti sakanila sila rin ay nakakaranas ng pang-aabuso at pang-aapi ng mga puti.
- Mga puti: sila ang mga taong namuhay sa karangyaan, sila ang may hawak sa pamahalaan at lumilikha ng mga batas na nagpapahirap sa pamumuhay ng mga African.
6. TAGPUAN/PANAHON
Ang mga pangyayari sa akda ay nangyari noong 1961 sa bansang South Africa. Maaring maraming taon na ang nakalipas nang magsimula sa bansang South Africa ang pagkakaroon ng hindi pantay na pagtrato sa mamamayan ng kanilang bansa kaya sinubukang baguhin ito sa pamamagitan ng National Liberation Movement (NLM) noong Hunyo 1961.
7. NILALAMAN O BALANGKAS NG MGA PANGYAYARI
Pinapakita sa mga pangyayari dito ang iba’t ibang uri ng hindi pagkakapantay pantay ng mga Africans sa mga puti. Halimbawa nito ang pagbibigay ng mas magandang oportunidad sa trabaho sa mga puti kaysa sa mga Africans.
8. MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA
- Lahat tayo ay ginawa ng Diyos na pantay-pantay kung kaya’t hindi dapat natin tinatapak-tapakan ang dignidad ng isang tao kahit na maitim o maputi.
- Hindi basehan ang lahi o kulay para matamasa ng isang tao ang kanyang mga karapatan at respeto na dapat meron siya.
- Ang pang-aapi sa kapwa ay isang kasalanan. Kung kaya’t hindi dapat nanghuhusga ng ibang tao dahil lamang siya ay maitim sapagka’t minsan sila pa mismo ang mas maraming naiaambag sa lipunan kaysa sa iba pang tao.
- Dapat wag pairalin ang ‘Racial Discrimination’ dahil sa panlalait at pangaalispusta sa kanila nawawalan ng karapatan ang mga African na mamuhay ng payapa at umasenso sa buhay.
9. ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA
Ang estilo ng pagkasulat ng akda ay pasalaysay. Ito ang tawag kung nais magpahayag ng isang manunulat ng mga magkakasunod na pangyayari tulad ng pagkukuwento. Sa una pa lamang malalaman mo na tila may malaking pagsubok na kailangan harapin ang mga taga South Africa (African). Naipaliwanag din ng maayos ang mga hinaing dahil sa nasabing problema na nagpapahirap sa kanila at naipakita din ng manunulat kung gaano ka laki ang problema nila sa diskriminasyon na tila nakakulong sila at walang ibang pwedeng gawin kundi sumunod na lamang dahil sa sila ay maitim. Hindi mahirap intindihin ang mga pahayag kahit na may malalim na salita dahil naipapaliwanag ng maayos. Sa dulo nabangit din ng manunulat kung ano ang kinakatakutan ng mga puti, ang demokrasya.

10. BUOD
Ang akda ay tungkol sa hindi pantay na pagtingin sa mga puti at mga Africans. Makikita rin dito kung paano nakaapekto ang kahirapan sa iba’t ibang aspeto ng kanilang buhay, lalo na sa kanilang kalusugan. Gayundin ang mga magagandang oportunidad na ipinagkakait sakanila. Dahil dito nais ng mga Africans na makaahon sila sa pagiging lumpo at makamit ang ninanais nilang pagkakapantay-pantay.
-- WAKAS --
-- MGA MIYEMBRO --
Keith Guatato (PAGKILALA SA MAY AKDA)
Aearth Doria (URI NG PANITIKAN)
Dana Hernandez (LAYUNIN NG MAY AKDA)
Irish Apple Tabita (TEMA O PAKSA NG AKDA)
Dela bajan (MGA TAUHAN / KARAKTER SA MAY AKDA)
Elisha Christine Lazaga (TAGPUAN/ PANAHON)
Angalica Nocum (NILALAMA O BALANGKAS NG MG PANGYAYARI)
Pineda (MGA KAISIPAN O IDEYANG TAGLAY NG AKDA)
Russel Santos (ESTILO NG PAGKAKASULAT NG AKDA)
Jullianne Lapid (BUOD)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento